Magarbong parada sa Araw ng Kalayaan, inalis na

Naging simple ang pag­ diriwang kahapon ng Araw ng Kalayaan matapos tang­galin ang magarbong pa­rada at ilaan na lamang ng gobyerno ang pondong dapat gagastusin dito sa direktang mga programa para matulungan ang ma­hihirap na Filipino.  

Sa ika-110 taong aniber­ saryo ng Indepen­dence Day na ginanap sa Rizal Park, sinabi ni Pangulong Arroyo, hindi na tama na ma­kitang gu­magastos ang gobyerno gayong marami ang kina­kapos sa kasalu­kuyan habang tumataas ang presyo ng langis at pag­kain.

Hiniling din kaha­pon ng Pangulo sa lahat ng sec-tor ang tunay na pag­ ka­ka­isa sa gitna ng dina­ranas na krisis sa pagkain at mataas na presyo ng langis.

Pinaalala din niya na ang paghihikahos ay hindi dahil sa kapaba­ yaan ng gob­yer­no kundi ito ay pan­daigdi­gang suliranin. (Rudy Andal)

Show comments