Juday tinawag na ‘Miss System Loss’

Tinawag na “Miss System Loss” ng Volunteer Against Crime and Cor­ruption(VACC) ang aktres na si Judy Ann Santos ka­sabay ng panawagan sa publiko na iboykot ang lahat ng iniendorsong commercial at maging ang mga pelikula ng aktres.

Pinagdiskitahan ng mga opisyal ng VACC sa pa­ngu­nguna ng pangulo nitong si Martin Dino, Dante Jimenez, Lauro Viz­conde at Atty.Jose Malvar Villegas Jr. ang mga litrato ni Juday at sabay-sabay na pinunit sa harap ng kani­lang opisina sa Roxas blvd., Malate, Maynila bi­lang pagpapakita ng kani­lang pagkamuhi sa ginawa ng aktres.

Hindi umano nila na­gus­­tuhan ang pag­pa­­pa­li­wanag ng aktres ka­ug­nay sa system loss ng Ma­nila Electric Company dahil mistula umanong pi­nopro­tek­tahan nito ang pagmamalabis ng Meralco sa mga consumer nito.

Ayon pa kay Jimenez, kapag hindi pa nadala ang aktres at muling nagpaga­mit sa Meralco, effigy na nito ang kanilang susunu­gin.

Hindi umano magan­dang tingnan na ang ka­ tulad ni Judy Ann na iniidolo ng mga kabataan ay ga­gawa ng ganoong pag-iendorso sa harap ng ka­liwa’t kanang batikos na ipinupukol ng mamamayan sa Meralco. (Doris Franche)

Show comments