Gonzalez sa mga witness:  ‘Wag maluho’

Nagbabala kahapon  si Justice Secretary Raul Gonzalez sa mga apli­kante at sa mga testigo na nasa ilalim na ng Wit­ness Protection program (WPP) na huwag nang hu­ miling ng isang safe­house na malapit sa mga malls o ma­kaalis patu­ngong abroad.

Ayon sa kalihim, sigu­radong hindi nila mapa­pagbigyan ang mga ma­lu­luhong kahilingan ng mga witnesses dahil sa ang budget lamang ng WPP ay P85 million na sapat lamang upang ma­bigyan sila ng sapat sa pangangailangan nila at ng kanilang pamilya.

Nilinaw pa ni Gonza­lez na ang nasabing ha­laga ay hindi pa rin sa­sa­pat sa loob ng anim na buwan kung ang isang testigo ay hihiling ng maluhong pamumuhay.

“There are some wit­nesses who want to go to the United States. They expect us to support them even if they are already in the US? We cannot afford that,” ayon pa kay Gonzalez.

Dahil dito kaya ilan umano sa mga testigo ng gobyerno ay nagagalit sa pamahalaan dahil sa ina­asahan ng mga ito na ma­bi­ bigyan sila ng bonus.

Samantala, pinag-aaralan naman ng DOJ kung isasailalim nila sa WPP ang mga witnesses sa RCBC robbery mas­sacre sa Laguna. (Gemma  Amargo-Garcia)

Show comments