^

Bansa

Bayani pinakakasuhan sa Ombudsman

-

Paiimbestigahan ni Parañaque City Rep. Roilo Golez si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando sa Office of the Ombudsman dahil sa paggastos umano ng pondo ng kanyang tanggapan.

Sinabi rin ni Golez na hihilingin niya kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na kasuhan at sampahan ng kaukulang kaso si Fernando dahil sa hindi umano pagbabayad nito sa loob ng dalawang taon ng P4,000 clothing allowance ng MMDA employees.

Sabi ni Golez, ang daming kinabit na tarpaulin na may litrato si Fernando sa kahabaan ng EDSA pero hindi naman nito kayang tumbasan ang benepisyo para sa kanyang mga empleyado.

Gusto ring ipakalkal ni Golez kung ginamit ni Fernando ang pondo ng MMDA sa pagpunta nito sa Aklan kasama ang may 100 tauhan niya.

Matatandaan na binaklas ng mga tauhan ni Makati City Jejomar Binay ang mga tarpaulin ni Fernado dahil nakakasagabal umano ito sa trapiko sa mga motoristang dumadaan sa may EDSA-Makati kamakailan na naging tampulan din ng bangayan ng dalawang opisyal.

Si Fernando ay napaulat na gustong kumandidato bilang Pangulo ng Pilipinas sa 2008 kaya naman iniisip ng kanyang mga kritiko na baka ang pondo ng kanyang tanggapan ang ginagamit daw nito sa maagang pangangampanya. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CITY REP

FERNANDO

GOLEZ

MAKATI CITY JEJOMAR BINAY

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with