^

Bansa

JDV tiyak na raw mapapatalsik sa Lakas

-

Inaasahan ng mga miyembro ng partidong Lakas Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD) na talsik na bilang pangulo si Pangasinan 4th District Rep. Jose de Venecia Jr. at si House Speaker Prospero Nograles ang papalit dito.

Nakakatiyak na ang mga kasapi ng Lakas-CMD na si Nograles na ang bago nilang Pangulo at bababa na si de Venecia sa kanilang National Directorate meeting sa Lunes. 

Gayunman, sinabi ni Nograles kahit na mapalitan bilang pangulo si de Venecia dapat siyang manatili sa partido dahil isa ito sa founder ng nasabing samahan.

Sinabi naman ni de Venecia, kahit na bumitaw siya bilang leader ng partido ay hindi naman siya aalis sa kanilang samahan.

Inakusahan naman ni de Venecia na may kinalaman ang Malacañang sa pagpapatalsik sa kanya sa puwesto, una ay bilang House Speaker at ngayon bilang pangulo ng partido. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

DISTRICT REP

GAYUNMAN

HOUSE SPEAKER

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

LAKAS CHRISTIAN MUSLIM DEMOCRATS

NATIONAL DIRECTORATE

NOGRALES

VENECIA

VENECIA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with