^

Bansa

Mayor Duterte magreresign sa POC

-

Binabalak na umano ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na magresign bilang Chairman ng Region 11 Peace and Order Council (POC) makaraang pilit na isinasangkot ng kanyang mga kalaban sa pulitika sa naganap na pagpaslang sa brodkaster na si Ferdie Lintuan.

Ayon sa isang opisyal ng POC sa Davao, malaking kawalan at magkakaroon ng implikasyon kung itutuloy ni Mayor Duterte ang kanyang resignasyon bilang Chairman ng POC.

Sinabi ng mga miyembro ng council, ang Alkalde lamang ang may kapabilidad na namuno ng mahusay sa POC at kapag tuluyan pang nagbitiw ay maituturing na isang malaking dagok sa adhikain ng kapayapaan sa rehiyon.

Gayunman ay hindi kinumpirma o itinanggi ni Mayor Duterte ang balitang balak nitong magresign sa POC sa halip ay sinabi nito na ang walang katapusang “political pressure” sa kanya ay maaaring maging bunsod upang magdesisyon ng isang bagay na hindi naman nito binanggit kung ano ito.

Inihayag pa ni Duterte na isang malawakang surveillance laban sa kanya ang inilulunsad ngayon ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa ilalim ng pamumuno ni NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda.

Maging ang ilang tao umanong malalapit sa kanya na mga opisyal ng PNP sa lugar at ang dalawang reporter ng government radio station ay pinapa-relieve umano sa kanilang posisyon ng kanyang mga kalaban sa putitika.

Sana naman ay huwag nilang idawit sa kontrobersiya ang mga taong malapit sa akin,” ani Duterte.

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DEPUTY DIRECTOR REYNALDO ESMERALDA

DUTERTE

FERDIE LINTUAN

MAYOR DUTERTE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with