MILF  hinamon ng AFP na magbaba ng armas

Hinamon kahapon ng Armed Forces of the Philippines na magsipagbaba ng mga armas ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front upang umusad ang isinusulong na negosasyong pangkapayapaan ng pamahalaan.

Ayon kay AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Antonio Romero, kasaysayan na mismo ang humusga na balakid sa peace talks ang patuloy na pag-aarmas ng MILF rebels.

Inihayag ni Romero na ang nasabing hamon ay ipinalutang ng Government Peace Panel nang hingan ng rekomendasyon ang AFP para sa ikatatagumpay ng peace talks sa pagitan ng magkabilang panig.

Iginiit ng opisyal na bago ang puspusang tugon ng gobyerno para sa livelihood projects ng MILF bilang alternatibo upang wakasan ang giyera ay magpakita muna ng pagka-sinsero sa peace talks ang MILF rebels sa pamamagitan ng pagpababa ng mga ito ng kanilang mga armas. (Joy Cantos)

Show comments