^

Bansa

Gringo hindi ipapalit sa mahihinang TU bets

-
Walang plano ang Palasyo ng Malacanang na ipalit si independent senatorial candidate Gregorio "Gringo" Honasan sa ilang mahihinang kandidato ng Team Unity kaugnay ng mid term elections sa Mayo 14.

Ito ang nilinaw kahapon ni Presidential Political Adviser Gabriel Claudio bilang pagpapasubali sa napaulat na pinalaya umano ng korte si Honasan para ipampalit sa ilang mga kandidato ng TU na hindi umaangat sa survey.

"There is no substitution afoot. Honasan’s release is purely judicial development which TU has absolutely nothing to do with. No one is giving up his or her seat on the administration line up," paliwanag ni Claudio.

Sinabi ni Claudio na si Honasan ay maaring magpatuloy sa pagtakbo bilang independent o kaya naman ay maaari itong kunin ng oposisyon para pampuno sa Magic 12 dahil 11 lamang ang kanilang mga senatoriables

Binigyang diin pa ni Claudio na taliwas umano sa napapaulat ay nananatiling malakas ang suporta sa taumbayan at nagkakaisa ang mga kandidato ng TU.

Muli ring iginiit ni Claudio na balewala ang resulta ng survey kung saan ay patuloy sa pangunguna ang mga kandidato ng kanilang mga katunggali mula sa Genuine Opposition dahil magwawagi umano sila sa local level sa pamamagitan ng command votes ng mga Local Government Units. (Joy Cantos)

vuukle comment

BINIGYANG

CLAUDIO

GENUINE OPPOSITION

HONASAN

JOY CANTOS

LOCAL GOVERNMENT UNITS

PRESIDENTIAL POLITICAL ADVISER GABRIEL CLAUDIO

TEAM UNITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with