^

Bansa

Pinoy binanlian ng kumukulong mantika, hinataw pa sa ulo ng gf

-
Isang Pinoy sa bansang Kuwait ang binuhusan ng kumukulong mantika at pagkatapos ay pinukpok pa sa ulo ng ka-relasyong Pinay matapos magselos ang huli makaraang matuklasang may pamilya palang naiwan sa Pilipinas ang una.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Charge d’ Affairs Rea Oreta, namatay habang ginagamot sa di pa batid na pagamutan si Rolando Casulang, isang X-ray technician sa Kuwait Military Hospital, dahil sa tinamong lapnos sa mukha at putok na ulo.

Inamin naman ng suspek na nakilalang si Minerva Tayag, isang Pinay at karelasyon ni Casulang sa Kuwait, ang krimen.

Sa pahayag sa mga awtoridad ni Tayag, sinabi nito na nagalit siya nang malamang may asawa at anak ang biktima sa Pilipinas.

Sinabi naman ni Oreta na inaasikaso na nila ang pagpapauwi sa mga labi ng biktima at tiniyak din nito na pareho nilang tutulungan ang pamilya ng biktima at suspek. (Mer Layson)

vuukle comment

AFFAIRS REA ORETA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ISANG PINOY

KUWAIT MILITARY HOSPITAL

MER LAYSON

MINERVA TAYAG

PILIPINAS

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with