^

Bansa

Congw. natalo ng mahigit P2M sa sabong

-
Ibang klaseng libangan ang pinag-aaksayahan umano ng oras at salapi ng Congresswoman na ito dahil mahilig ito sa mga manok at kaya niyang magpatalo ng milyon-milyong pera sa pustahan.

Ayon sa "A1" source ng PSN, mahigit sa P2 milyon ang natalo sa sabungerang Congresswoman noong huling linggo ng Agosto.

Minalas umano ang mga manok na pinustahan ni Congresswoman sa pinuntahan nitong derby kaya mahigit sa P2 milyon ang natalo sa kanya.

Sinabi pa ng source na sa halip na ang kanyang mga constituents ang pagka-abalahan at pasyalan ng Congresswoman, mas pinipili pa nito ang maglibot sa mga probinsiya na mayroong derby.

Wala umanong makapigil sa pagkahilig ng Congresswoman sa mga manok at kalimitan rin nitong nakakabarkada ang iba pang kongresista na kilalang mahilig magsabong.

Sabi pa ng source na hindi bumababa sa P30,000 ang pinakamaliit na taya ni Congresswoman kung ito ay nagsasabong.

Loaded umano lagi ng cash si Congresswoman kapag dumadayo ito ng derby at hindi nagdadalawang isip pumusta kapag may nakursunadang manok.

Si Congresswoman na natalo ng mahigit sa P2 milyon nitong huling linggo ng Agosto sa isang derby ay nagmula sa isang kilalang siyudad at hindi lamang ito mahilig sa manok na panabong kundi nahilig din itong mangolekta ng mga paborito niyang CDs as in compact discs. (Malou Escudero)

vuukle comment

AGOSTO

AYON

CONGRESSWOMAN

IBANG

MALOU ESCUDERO

MINALAS

SABI

SI CONGRESSWOMAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with