2nd impeach vs GMA ikakasa na sa Lunes
June 23, 2006 | 12:00am
Binuo na kahapon ng ibat ibang grupo ng civil society at oposisyon ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo na isasampa sa darating na Lunes sa House of Representatives.
Pero hindi pa man nagsisimula ang proseso ng ikalawang impeachment, tinangka na kaagad harangin kahapon ng mga abogado ni Pangulong Arroyo ang pagsasampa nito.
Inihain kahapon nina Atty. Romulo Macalintal at Alberto Agra ang apat na pahinang manifestation sa House na nagpapahayag ng kanilang legal opinion kaugnay sa ihahaing impeachment complaint.
Sa ulat nina Macalintal at Agra, wala pang maaaring magsampa ng panibagong impeachment complaint laban kay Arroyo dahil may naka-pending pang petisyon sa Korte Suprema kaugnay sa na-dismis na unang complaint laban sa Presidente noong isang taon.
Naniniwala si Macalintal na hindi pa maikokonsiderang tapos na ang naunang impeachment complaint dahil wala pang desisyon ang Korte hinggil dito.
Maliban sa reklamong culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, bribery at graft and corruption, isasama rin ang pagpapalabas ng EO 464 ng Pangulo, PP1017, illegal arrests at illegal raid sa Daily Tribune. (Malou Escudero/Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest