^

Bansa

Serbisyo Muna inilapit ang mga kababayan sa mga kamag-anak abroad

-
"Kung wala itong Serbisyo Muna, matatagalan pa bago ako makahingi ng tulong sa kamag-anak ko sa abroad," masayang pahayag ni Marita Duran, residente ng Navotas. May ilang araw na binalak ni Duran, may apat na anak, na tawagan ang kanyang hipag sa Amerika upang humingi ng tulong para maipantustos sa pag-aaral ng mga ito. Dahil sa kakapusan sa salapi, hindi nito nagawang makatawag.

Hanggang sa dalhin ng Serbisyo Muna Caravan ang Libreng Tawag sa OFW service ng National Telecommunications Commission (NTC) sa kanilang lugar. Si Gng. Duran ay isa lamang sa daan-daang residenteng nakinabang sa caravan na idinaos sa Navotas Polytechnic College noong Hunyo 9.

Ang NTC ay kabilang sa mga lumahok sa isang araw na caravan, isang pangunahing bahagi ng proyektong Serbisyo Muna ni Pangulong Arroyo.

"Layon ng Serbisyo Muna ng Pangulong Arroyo na makatulong sa ating mga kababayan sa pinakamahusay na paraan. Sa bawat caravan, pinagsusumikapan naming makatulong sa mas maraming mamamayan," wika ni PAGCOR Chairman and CEO Efraim C. Genuino, pangkalahatang tagapamahala ng proyektong Serbisyo Muna.

Sa pamamagitan ng Libreng Tawag sa OFC service, ang NTC ay nagkakaloob ng libreng tatlong-minutong tawag sa ibang bansa at limang-minutong lokal na tawag sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ang nasabing ahensiya ay nakikipagtulungan sa mga higanteng kumpanya ng telekomunikasyon sa bansa gaya ng Smart at Globe.

vuukle comment

DURAN

EFRAIM C

LIBRENG TAWAG

MARITA DURAN

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

PANGULONG ARROYO

SERBISYO MUNA

SERBISYO MUNA CARAVAN

SI GNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with