^

Bansa

RVAT inulan ng protesta

-
Muling nagpang-abot kahapon ang pulisya at mga militanteng grupo sa lungsod ng Maynila matapos pilitin ng mga demonstrador na makalapit sa Malacañang para iprotesta ang ipinatupad na 12% RVAT.

Dalawang militanteng babae ang dinakip ng mga anti-riot squad sa banggaan sa kanto ng Recto at Morayta Ave., Sta. Cruz matapos mambato. Anim na miyembro naman ng grupong Sanlakas ang dinampot dahil sa pagtatangkang sumugod malapit sa Malacañang ngunit naharang sila.

Ilang militante ang nasaktan dahil sa pamamalo ng mga pulis habang ilan rin sa mga alagad ng batas ang nagtamo ng sugat dahil sa pambabato ng mga ralista. Kabilang dito si Supt. Bernardo Diaz, hepe ng Police Station 4-Sampaloc matapos na suntukin ng isang militante buhat sa likuran.

Alas-6 ng umaga nang magtungo sa Trabajo market sa Sampaloc, Maynila ang mga miyembro ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KPD).

Sinabi ni KPD spokesman Jess Prado na magsasagawa rin sila ng mga kilos-protesta sa tapat naman ng mga gasolinahan upang kondenahin naman ang pagtaas ng mga produktong petrolyo dahil sa dagdag na buwis na sa balikat ng mga mamamayan ipapasa ng mga oil companies.

Higit sa 500 militante naman ang dumagsa sa Plaza Miranda sa kabila ng kawalan ng permit to rally. Pinayagan naman ng pulisya na magsagawa ng programa ang mga ito dahil sa idineklarang freedom park ang Plaza Miranda ngunit hindi nakuntento kaya nagmartsa patungo sa Malacañang. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BERNARDO DIAZ

DANILO GARCIA

JESS PRADO

MALACA

MAYNILA

MORAYTA AVE

PAMBANSANG DEMOKRASYA

PLAZA MIRANDA

POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with