^

Bansa

Noli walang balak lumipat ng istasyon

-
Walang balak na lumipat ng istasyon si Vice President Noli de Castro matapos sibakin ng pamunuan ng ABS-CBN ang kaniyang programang Magandang Gabi Bayan (MGB) sa nasabing network na pag-aari ng pamilya Lopez.

Ayon sa reliable source, bagama’t mayroong konting pagtatampo si de Castro sa mga opisyal ng Channel 2 dahil sa pagsibak sa kaniyang MGB ay wala naman itong plano na lumipat sa kalabang giant network na GMA 7.

Sinabi ng source, ayaw munang magkomento ni Kabayan hinggil sa nangyari sa kaniyang sinimulang programa na MGB at nagpapahinga muna para makaiwas sa intrigang ito.

Idinagdag pa ng impormante, hahayaan na lamang muna ni de Castro na magsalita ang pamunuan ng ABS-CBN hinggil sa pangyayari dahil sila naman ang dapat magbigay ng paliwanag hinggil sa pagkakatanggal ng MGB.

Naunang inihayag ng Bise Presidente sa panayam dito ng DZRH kamakalawa na maraming commercial load at nasa rating naman ang MGB kaya nagtataka siya kung bakit biglang sinibak ito sa ere ng ABS-CBN management .

Samantalang iginiit ng pamunuan ng ABS-CBN sa kanilang statement na walang bahid pulitika ang nangyaring pagkakasibak ng MGB bagaman ayon kay de Castro ay hindi pa niya nakakausap ang network. (Rudy Andal )

vuukle comment

AYON

BISE PRESIDENTE

IDINAGDAG

KABAYAN

LOPEZ

MAGANDANG GABI BAYAN

MGB

NAUNANG

RUDY ANDAL

VICE PRESIDENT NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with