Daboy, Alma dineport sa Japan

Idineport kagabi ng Japan Immigration pabalik sa bansa ang dating mag-asawang Rudy Fernandez at Alma Moreno, kasama ang napapabalitang boyfriend ng aktres na si Gerald Madrid at pito pang kasama matapos mabuking na blacklisted pala sa Japan ang boyfriend ni Alma.

Ayon sa source sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), hindi umano kapani-paniwala ang rason na ibinigay nila sa Japan Immigration matapos nilang palabasin na tourist sila. Subalit nang i-check sa computer ay dito nasilip na blacklisted si Madrid.

Napag-alaman na nagtrabaho doon si Madrid bilang umano’y hosto, pero nag-overstay.

Dahil dito, naapektuhan na pati sina Alma at Rudy kaya hindi na rin sila pinapasok.

Nabatid na umalis nitong Huwebes ng hapon ang grupo sakay ng PAL flight 432 para sa mga serye ng shows sa Japan. Ibinalik din sila kagabi sakay ng PAL flight 431. Isang gabing natulog sa Japan immigration ang mga ito. (Butch Quejada)

Show comments