^

Bansa

LGUs umupak vs Cory

-
Tiniyak kahapon ng mga local officials sa buong bansa na hindi papaboran ng mga bayan at lalawigan na kanilang nasasakupan ang panawagang kilos-protesta ni ex-President Cory Aquino para ibagsak ang pamahalaang Arroyo.

"Hostage na ang gobyerno at hindi makakilos dahil sa panggugulo ng mga kalaban ng administrasyon," pahayag ng mga opisyal kasabay ng panawagang asikasuhin ni Mrs. Aquino ang problema sa Hacienda Luisita at dumistansiya sa kilos-protesta.

Ang paghamon ay nanggaling kina Bohol Gov. Erico Aumentado at Nueva Ecija Gov. Tomas Joson III matapos ang makasaysayang desisyon ng mayorya sa Kongreso na ibasura ang impeachment case kontra kay Pangulong Arroyo kahapon.

"This is a welcome development para sa mga kababayan natin sa mga probinsiya. Umaapela kami kay ex-Pres. Cory Aquino na huwag lumahok at manguna sa mga street protests which are counter-productive and divisive," pahayag ni Aumentado na dumalo sa sesyon dala ang malaking grupo ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP).

Sinupalpal din ni Joson ang dating pangulo at inabisuhan na harapin nito ang mas malubhang problema ng Hacienda Luisita kung saan naging madugo na ang pagtatalo sa pagitan ng striking union members at ng pamilya Cojuangco na siyang may-ari ng sugar central sa San Miguel, Tarlac.

Ikinatuwa ng mga opisyal ang pagwawakas ng debate sa Kongreso dahil maaatupag na ang pagpasa sa 2006 national budget at mga problemang kinakaharap ng bansa gaya ng oil price hike.

"Sana huwag nang mag-apoy pa ng kilos protesta dahil ang desisyon ay ginawa ng nakararami. In a democracy, majority rules. Let us respect it," sama-samang pahayag nina Eastern Samar Gov. Ben Evardone; James Marty Lim, pangulo ng Liga ng mga Barangay; Binalonan Mayor Ramon Guico Jr., at Iloilo City Mayor Jerry Trenas. (PSN Reportorial Team)

vuukle comment

BEN EVARDONE

BINALONAN MAYOR RAMON GUICO JR.

BOHOL GOV

CORY AQUINO

EASTERN SAMAR GOV

ERICO AUMENTADO

HACIENDA LUISITA

ILOILO CITY MAYOR JERRY TRENAS

JAMES MARTY LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with