^

Bansa

Trabaho 4-araw na lang

-
Upang malunasan ang malalang trapiko sa Metro Manila at mas magkakaroon ng karagdagang ‘quality time’ ang mga nagtatrabahong magulang para sa kanilang mga anak, isinulong ni Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali ang pagkakaroon ng apat na araw na trabaho sa pampubliko at pribadong kumpanya.

Sa House Bill No. 1507 ni Rep. Umali, sinabi nito na malaki ang maitutulong ng maiksing araw ng trabaho para magkaroon ng mas mahabang oras ang mga magulang sa kanilang mga anak at mabawasan din ang araw kung saan nagkakaroon ng trapik sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Umali na hindi naman mangangahulugan na mababawasan ang oras ng trabaho ng isang empleyado kundi iiksi lamang ang araw ng pagpasok nito sa loob ng isang linggo.

Inihalimbawa nito ang ginawa ng House of Representatives noong 12th Congress kung saan ipinatupad ang 4-days work week mula Lunes hanggang Huwebes bilang bahagi ng pagtitipid.

Mula sa dating otso oras isang araw ay ginawa itong 12-oras upang mapunan ang nawalang isang araw.

Umabot sa P50 milyon ang natipid ng Kamara dahil sa ipinatupad na 4-days work week.

Idinagdag ni Umali na maaari rin itong gawin sa pribado at pampublikong sektor at umisip ng iba pang paraan upang mabawasan ang araw pero pareho pa rin ang 40 oras na trabaho sa isang linggo.

"Ang pagkakaroon ng 4-araw na trabaho ay hindi lamang makakatulong sa pamilya para sa quality time kundi maging sa trapiko dahil mababawasan ang bilang ng mga bibiyahe para pumasok sa trabaho," ani Umali.

Maaari pa rin aniyang magkaroon ng overtime pay ang mga empleyado bukod sa night-shift differential mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ALFONSO UMALI

ARAW

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HUWEBES

IDINAGDAG

MALOU RONGALERIOS

METRO MANILA

ORIENTAL MINDORO REP

SA HOUSE BILL NO

UMALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with