^

Bansa

Pamatong magkukunwang may sayad

-
Malaki umano ang posibilidad na makaligtas sa patung-patong na kaso si nuisance presidential aspirant Atty. Elly Pamatong sakaling mapatunayan itong wala sa katinuan ng pag-iisip nang isagawa ang pagpapakalat ng metal spikes sa Metro Manila at ilang lalawigan kamakailan.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source sa Camp Crame, sasailalim sa psychiatric test si Pamatong at dito malalaman kung ito ay may diperensiya sa pag-iisip o wala.

Aniya, abogado si Pamatong at alam nito ang kanyang mga gagawin upang mapawalang-sala sa hukuman.

Ilan sa mga kasong kinakaharap ngayon ni "Spikeboy" ay malicious mischief, damage to property at illegal possession of firearms and ammunitions.

Gayunman, namimiligro ring ma-disbar o maalisan ng lisensiya si Pamatong sakaling mapatunayan ngang matino ang pag-iisip nito at pinagplanuhan ang pagpapakalat ng spikes sa kalsada kung saan umabot sa halos 200 sasakyan ang nabutasan ng gulong.

Si Pamatong, 60, ay naaresto kamakalawa ng madaling araw sa isang checkpoint sa Laguna.

Matapos aminin na siya ang utak sa paghahagis ng mga pako ay nagtago na ito at nagbanta na pababagsakin ang gobyerno sa loob ng 15-araw. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

AYON

CAMP CRAME

DORIS FRANCHE

ELLY PAMATONG

GAYUNMAN

ILAN

METRO MANILA

PAMATONG

SI PAMATONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with