^

Bansa

Panalo ng GMA ticket 'in the bag na'

-
Posisyon na lamang sa pagkasenador at mga lokal ang aabangan ng bayan sa magiging resulta ng May 10 elections matapos umugong na siguradong tambalan nina Pangulong Arroyo at Sen. Noli de Castro ang susuportahan ng dalawang pinakamalaking religious groups sa bansa.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay, chairman ng House committee on national defense, tapos na ang boksing sa labanan ng pangulo at bise bresidente sa sandaling pormal na ihayag ng Iglesia Ni Cristo (INC) at El Shaddai ang pag-endorso kina Pangulong Arroyo at de Castro.

"The fight for the Presidential and Vice Presidential posts is over. Kasi if you look at the latest survey, lamang sina President Arroyo ng almost 10% sa sumusunod sa kanya at si Noli (de Castro) naman more than 15%. With INC and El Shaddai support, papaano pa makakahabol ang mga kalaban nila," paliwanag niya.

Halos hindi nagkakaiba ang ipinapalabas na survey ng SWS, Pulse Asia at NFO Trend, kung saan ipinakita ang dahan-dahang paglayo ng Pangulo sa pinakamahigpit nitong kalaban na si FPJ na patuloy na bumababa ang rating.

Dahil sa suporta ng INC at El Shaddai, sinabi ni Pichay na lalo pang luminaw ang panalo ng Pangulo at paglabo naman ng pag-asa ng mga taga-oposisyon. Dahil dito, sinabi ni Pichay na ang aabangan na lamang ng publiko ay ang labanan ng senatorial candidates na nasa ika-walong puwesto hanggang 19 sa mga naglalabasang survey. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

DAHIL

EL SHADDAI

IGLESIA NI CRISTO

MALOU RONGALERIOS

NOLI

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PICHAY

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENTIAL AND VICE PRESIDENTIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with