^

Bansa

Hirit ni Sen Barbers: Ipagpaliban ang bitay

-
Umapela kahapon si re-electionist Sen. Robert Barbers kay Pangulong Arroyo na ipagpaliban sa loob ng 15 araw ang nakatakdang pagbitay sa dalawang convicted kidnappers na sina Roderick Licayan at Roberto Lara upang bigyang-daan ang ihaharap na bagong ebidensiya ng Public Attorney’s Office (PAO) para patunayang walang kasalanan ang mga ito.

Sinabi ni Sen. Barbers, bagama’t aktibo siya sa pagsusulong ng parusang bitay ay umaapela siya kay Pangulong Arroyo na bigyan ng karagdagang 15 araw si PAO chief Atty. Persida Rueda-Acosta na patunayang inosente ang dalawang death convicts ng pagkidnap kay Joseph Co at Linda Mayasay noong Agosto 1998.

Wika pa ni Barbers, dapat bigyan ng pagkakataon ang dalawa na mapatunayang wala silang kasalanan matapos aminin ng akusadong si Pedrito Mabansag na walang kinalaman si Lara sa naturang kaso.

"We must prove to the Filipino people that the wheel of justice favors no one whether you are rich or poor. It seems that Lara and Licayan, because of financial constraint, were not given equal opportunity to hire a good lawyer to defend them in court. I commend PAO for their relentless effort to defend Lara and Licayan on their innocence of a crime punishable by death despite of the final ruling of the Supreme Court. We must take these new statements with serious consideration," dagdag pa ng re-electionist senator ng K4.

Magugunita na inatasan ng high tribunal ang PAO at Solicitors General’s Office na humarap sa isasagawang oral argument sa high tribunal kaugnay sa hiniling na mosyon para sa muling pagbukas ng kaso nina Licayan at Lara dahil sa nakalap nilang bagong ebidensiya na magpapawalang-sala sa mga ito. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

JOSEPH CO

LARA

LARA AND LICAYAN

LINDA MAYASAY

PANGULONG ARROYO

PEDRITO MABANSAG

PERSIDA RUEDA-ACOSTA

PUBLIC ATTORNEY

ROBERT BARBERS

ROBERTO LARA

RODERICK LICAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with