^

Bansa

Trahedya ng landslide,pinangangambahan

-
Nangangamba ang mga residente ng Angat, Bulacan sa posibleng trahedyang kanilang sapitin dahil sa matinding quarrying ng mga negosyante sa paligid ng kanilang komunidad.

Sa kanilang apela kay Environment and Natural Resources Sec. Elisea Gozun, makailang ulit na silang dumulog kay Bulacan Gov. Josie dela Cruz para ipatigil ang quarrying subalit hindi sila pinapakinggan nito.

Ayon sa mga residente, malaking bahagi na ng Brgy. Marungco, Angat ang natitibag dahil sa mas pinatinding operasyon ng mga quarrying company na lalong naglalagay sa panganib sa mga residente kapag umuulan.

Bago pa man magreklamo ang mga residente, sinulatan na ng DENR si Gov. dela Cruz sa pamamagitan ng Mines and Geosciences Bureau, Regional Office 3, para aksyunan sa lalong madaling panahon ang nakaambang panganib dulot ng talamak na quarrying sa naturang lugar. Napilitan na lamang ang mga residente na tumungo kay Sec. Guzon sa Visayas Avenue, Quezon City dahil sa hindi sila pinapansin ni Gov. dela Cruz. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ANGAT

BULACAN GOV

CRUZ

DORIS FRANCHE

ELISEA GOZUN

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SEC

MINES AND GEOSCIENCES BUREAU

QUEZON CITY

REGIONAL OFFICE

VISAYAS AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with