^

Bansa

Mining industry pinapata ng DENR -Solon

-
Inakusahan kahapon ng isang mambabatas si Environment and Natural Resources Sec. Elisea Gozun dahil ito umano ang nagiging dahilan upang mamatay ang local mining industry.

Ayon kay Leyte Rep. Aniceto Saludo, marami nang foreign investors ang umalis sa bansa dahil sa anti-business policy ng DENR.

Naniniwala ang solon na malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa kung uunlad ang local mining industry.

Maging si Pangulong Arroyo aniya ay naniniwala na isa sa pag-asa ng ekonomiya ng Pilipinas ay ang pampalakas sa industriya ng pagmimina.

"In fact, mining has been included in the 2003 Investment Priorities Program (IPP) by the National Economic Development Authority (NEDA)," ani Saludo.

Naniniwala din ang solon na hindi kontrolado ni Gozun ang DENR dahil mas makapangyarihan umano dito ang Mines Adjudication Board (MAB) na hindi napapalitan sa nakalipas na tatlong administrasyon.

"These people are so entrenched that they are virtually untouchable," ani Saludo.

Hindi rin umano kayang sugpuin ni Gozun ang nangyayaring katiwalian sa DENR.

Hanggat nakaupo aniya ang kalihim sa DENR ay hindi uunlad ang pagmimina sa bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANICETO SALUDO

ELISEA GOZUN

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SEC

GOZUN

INVESTMENT PRIORITIES PROGRAM

LEYTE REP

MALOU RONGALERIOS

MINES ADJUDICATION BOARD

NANINIWALA

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with