^

Bansa

Promdi,Reporma at Aksiyon kumalas sa PPC

-
Tatlong grupo na kasama sa pagbuo ng People Power Coalition (PPC) ang nagsama-sama upang kalabanin ang iniluklok nilang si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa isang press conference kahapon ng umaga, sinabi ni dating Education secretary Raul Roco na nagkasundo ang partidong Promdi ni Lito Osmeña, Reporma ni Renato de Villa at ang kanyang partidong Aksyon Demokratiko upang hanapin ang katotohanan, hustisya at mapagkakatiwalaang gobyerno na siyang layunin ng paglulunsad ng EDSA Dos.

Sinabi ni Roco na ang mga ginagawa ni Arroyo ay senyales ng pag-aabandona niya sa PPC at sa layunin ng EDSA Dos. Si Arroyo ang chairman ng PPC na binubuo naman ng partidong Lakas Christian Democrats at Liberal Party.

Noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ng Reporma ang kanilang pagkalas sa PPC. Nangako rin ang Promdi, Reporma at Aksyon na kanilang bubuhayin ang pag-asa ng mga taong naniniwala na mayroong mangyayaring pagbabago sa EDSA Dos.

Tumanggi rin si Roco na tawagin ang kanyang partido na "third force" dahil sila umano ang "better choice." (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AKSYON DEMOKRATIKO

EDWIN BALASA

LAKAS CHRISTIAN DEMOCRATS

LIBERAL PARTY

LITO OSME

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PEOPLE POWER COALITION

PROMDI

RAUL ROCO

REPORMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with