^

Bansa

Taguig, Muntilupa mayors tutol makaboto ang mga taga-iskwater

-
Sa kabila ng pahayag ng karamihan sa Metro Mayor na nakahanda silang magwelga upang suportahan ang karapatan ng mga iskwater sa kanilang lugar para makapagparehistro sa darating na halalan at makaboto ay taliwas naman ang pananaw dito nina Muntinlupa at Taguig City Mayors na sina Sigfried Tinga at Jaime Fresnedi.

Naniniwala ang dalawang alkalde na isang pamamaraan lamang ng Comelec ang pagbabawal sa mga bagong saltang squatters sa kalunsuran na makapagparehistro upang higit na mapagtagumpayan ang screening ng mga magsisiboto sa isang taon.

Maliwanag ang sinasaad sa reglamento ng Comelec na mga bagong salta lamang at residenteng wala pang anim na buwang naninirahan sa lungsod ang pinagbabawalan na makapagparehistro. Masyado aniyang pinalaki ng ilang mga mayor ang issue at pinalitaw na sinisikil ng Comelec ang karapatan ng mga squatters na makaboto.

"Lahat ay tinatrato ng pantay-pantay ng Comelec, kahit na sino ka pa at kahit na hindi ka squatter kung hindi mo mapapatunayan na nanirahan ka na ng anim na buwan sa lungsod ay hindi ka papayagan. Trabaho lang," sabi ni Fresnedi.

Ayon naman kay Tinga, isang mabisang pamamaraan din ito upang mahadlangan ang mga professional squatters na gawing legal ang kanilang pamamalagi sa lungsod kung saan ang mga benipisyo na ukol sa mga lehitimong residente ay puwede pang maagaw, bukod pa sa paggamit sa kanila bilang instrumento ng pandaraya. Sa halip na isiksik ng mga bagong saltang squatters ang kanilang sarili sa lungsod ay maaari na lamang silang bumalik sa kani-kanilang mga lalawigan at doon magparehistro. (Ulat nina Lordeth Bonilla/Ludy Bermudo)

vuukle comment

AYON

COMELEC

FRESNEDI

JAIME FRESNEDI

LORDETH BONILLA

LUDY BERMUDO

METRO MAYOR

SIGFRIED TINGA

TAGUIG CITY MAYORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with