^

Bansa

Money laundering vs Nani luminaw

-
Tuluyan nang sumabit si dating Justice Secretary Hernando Perez makaraang luminaw ang pagkakasangkot nito sa money laundering activities na nag-ugat sa pagtanggap umano nito ng $2 milyon mula kay dating Manila 6th District Rep. Mark Jimenez.

Nabatid na ang nasabing halaga ay inilagay umano ng dating solon sa IMPSA deal.

Ang paglilinaw ay nagmula sa Swiss government na nagsabing natutumbok na nila mula sa nakalap na paper trail sa 16 na bangko na pinaglagakan ng mga taong kakilala ni Perez sa bansang Switzerland.

Idinawit din ng Swiss gov’t ang maybahay ni Perez na si Rosario Salvador Perez, bayaw na si Arceo at ang negosyanteng si Ernest de Leon Escaler bilang mga personalidad na naglagak ng milyong dolyar na pera umano ni Perez sa EFG Private bank sa Geneva at Guernsy branch sa nasabing bansa noong 2001.

Pawang magkakasunod na idineposito ang mga salaping dolyar doon at kaduda-dudang na-withdraw din agad.

Dahil sa nasabing mga paglilinaw ay maaari ng isulong ang kasong money laundering laban kay Perez. (Ulat ni Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARCEO

DAHIL

DISTRICT REP

GUERNSY

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

LEON ESCALER

LUDY BERMUDO

MARK JIMENEZ

PEREZ

ROSARIO SALVADOR PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with