^

Bansa

Kongresista humirit ng apat na chicks sa contractor

-
Isang "matulis" na kongresista mula sa Visayas ang humirit ng apat na babae mula sa kompanyang binigyan niya ng kontrata para sa isang proyekto ng kanyang distrito.

Ayon sa source na tumangging magpabanggit ng pangalan, maliban sa "cut" ng congressman sa proyekto, humirit ito sa kompanya ng apat na chicks na installment na ibinigay sa kanya.

Partikular umanong sinabi ng matulis na congressman na hindi lamang teenagers kundi dapat ay malalaki ang boobs ng mga chicks na dadalhin sa kanya.

Unang kinatagpo ni cong. ang dalawang chicks bandang tanghali sa isang karaoke bar sa Quezon City at dinala niya ang mga ito sa isang hotel na binayaran din ng kompanyang binigyan ni cong. ng kontrata.

Pero hindi pa umano nakuntento ang solon, muli itong tumawag sa kumpanya at humingi pa ng dalawa na namang chicks noong gabi.

Hindi umano malaman ng kontratista kung saan na naman kukuha ng dalawang batang-bata at magandang chicks para ibigay kay congressman.

Dahil makulit si cong. walang nagawa ang kontrata kundi ang makipagkita na naman dito sa karaoke bar kung saan kakatagpuin nila ang dalawang chicks.

Ayon sa salaysay ng source, sumasayaw-sayaw pa si cong. nang dumating sa karaoke bar at tinanong nito kung nasaan na ‘yong dalawa pang babae na ni-request niya. Hindi naman nainip sa paghihintay si cong. dahil dumating ang dalawa pang babae na ni-request niya.

Ang dalawang chicks ay dinala umano ni cong. sa Darana Hotel sa QC.

Dahil special ang kongresista, sinagot muli ng contractor ang bayad sa hotel ni cong. na nakaiskor sa apat na babae sa loob lamang ng isang araw. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

CHICKS

CONG

DAHIL

DARANA HOTEL

ISANG

MALOU ESCUDERO

PARTIKULAR

PERO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with