Ang mga hakbang na ito ng Pangulo ay naglalayong mabigyan ng tuluy-tuloy na bakasyon ang sambayanang Pilipino sa loob ng limang araw para gunitain ang Semana Santa.
Ang Huwebes Santo ay tumama sa Abril 17, Biyernes Santo ay Abril 18.
Ang mga ahensiya ng gobyerno kabilang na ang mga korporasyong kontrolado nito ay may pahintulot na hindi na pumasok sa Miyerkules Santo, maliban sa BIR, Customs, Postal office, AFP, PNP, fire department at government hospitals.
Samantala, ang private sector maliban sa bangko, ospital, at iba pang nagbibigay serbisyo sa publiko, ay hinihikayat na huwag nang papasukin ang kanilang mga empleyado sa Abril 16. (Ulat ni Lilia Tolentino)