Vandolph nasa kritikal pa rin

Kritikal pa rin ang batang aktor na si Vandolph Quizon sa intensive care unit ng Makati Medical Center.

Ayon sa kapatid nitong aktor na si Eric Quizon, bagamat may mga vital signs na bumubuti na ang kalagayan ni Vandolph at nobya nitong si Krissie Raqueza, hanggang 48-oras ang ibinigay ng mga doktor para masabing ligtas na sa tiyak na kapahamakan ang dalawa.

Kasabay nito, nagpasalamat ang pamilya ni Vandolph sa lahat ng mga taong sumagip sa dalawa ng maaksidente sa Pangasinan. Hiniling ni Eric ang panalangin ng lahat para sa kanyang kapatid at sa nobya nito para sa tuluyan nilang kagalingan.

Show comments