^

Bansa

Anak ni Rosebud mas type si Osang na gumanap

-
Sakaling magkaroon ng katuparan na maisapelikula ang buhay ni dating civilian agent Mary "Rosebud" Ong, mas type ng kanyang mga anak na ang boldstar na si Rosanna Roces alyas Osang ang gumanap sa papel ng kanilang ina.

Ito ang nabatid kahapon kay Ong sa gitna na rin ng umiinit na mga ulat na posibleng maisapelikula ang buhay ng nasabing witness ni Col. Victor Corpus, hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines.

Una nang inihayag ni Ong na personal choice niya ang "Star for All Seasons" na si Mayor Vilma Santos at si Osang para i-portray ang kanyang karakter sa pelikula.

Ayon kay Ong, kaya niya ibig na si Vilma ang gumanap sa kanya sa pelikula ay dahilan sa pagiging Chinese-looking nito at naniniwala siyang higit na mabibigyang buhay nito ang kanyang karakter.

"Kaya lang yung mga anak ko, naglalambing sa akin ang gusto talaga nila ay si Osang alam mo naman ang mga bata mas gusto ang sexy at cute," ayon pa kay Ong.

Dahil dito, sinabi ni Ong na malamang pagbigyan niya ang mga ito pero depende pa ito sa alinmang film outfit na mag-o-offer na maisapelikula ang kanyang buhay.

Sakali anyang may producer na mag-offer ay nakahanda siyang makipagtulungan sa mga ito para sa ikagaganda ng pelikula.

Magugunita na kamakailan ay nagtungo si Rosebud sa Viva Films pero hindi pa malinaw kung inalok na ito ni Mr. Vic del Rosario na gawin ang "Rosebud True to Life Story." (Ulat ni Joy Cantos)

ALL SEASONS

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

JOY CANTOS

LIFE STORY

MAYOR VILMA SANTOS

MR. VIC

ONG

OSANG

ROSANNA ROCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with