Yorac hinirang na PCCG chief
() - July 12, 2001 - 12:00am
Hinirang ni Pangulong Arroyo si dating Comelec Commissioner Haydee Yorac bilang bagong chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, tinanggap na ni Yorac ang posisyon at magsisimula na ito ng tungkulin sa Hulyo 17.

Bukod kay Yorac, hinirang din ng Pangulo ang dalawang PCGG commissioners na sina Ruben Carranza at Gloria Avena.

Nagpahayag ang tatlong opisyal na tatapusin nila sa loob ng dalawang taon ang paglutas sa problema sa sinasabing kulimbat na yaman ng pamilya Marcos.

Tumanggi naman ang Malakanyang na magpahayag ng posisyon nito sa isasampang panukalang batas ni Sen. Sergio Osmeña na humihiling na buwagin na ang PCGG.

Ayon kay Osmeña, kung mayroong ibang nalalabing responsibilidad ang PCGG hinggil sa nakaw na yaman ng mga Marcos ay ilipat na lamang ang tungkuling ito sa Department of Justice. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON COMELEC COMMISSIONER HAYDEE YORAC DEPARTMENT OF JUSTICE GLORIA AVENA GOOD GOVERNMENT LILIA TOLENTINO PANGULONG ARROYO PRESIDENTIAL COMMISSION PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO RUBEN CARRANZA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with