Erap inabsuwelto sa Dacer

Absuwelto na si dating Pangulong Estrada sa kasong pagdukot at pagpatay kay PR man Salvador "Bubby" Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Ito ang tiniyak kahapon ni Justice Secretary Hernando Perez hinggil sa unang pagkakabunyag ni Supt. Glenn Dumlao sa pangalan ni Estrada na sangkot at isa umano sa utak sa Dacer-Corbito slay.

Ayon kay Perez, pawang hearsay lamang ang mga ebidensiyang iprinisinta ni Dumlao sa Department of Justice kaya hindi maisusulong ang anumang kaso laban kay Estrada.

Bibigyan naman ng pagkakataon sina Senator-elect Panfilo Lacson, Sr. Supt. Michael Ray Aquino at Cesar Mancao para makasagot sa gagawing preliminary investigation. (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments