^

Bansa

Estrada at kalaguyo may account sa Citibank

-
Ipinakita kahapon ni Prosecutor Congressman Oscar Moreno ang ebidensiya na magpapatunay na hindi lamang si Unang Ginang Luisa ‘‘Loi’’ Ejercito ang may account sa Citibank kundi pati mismo si Pangulong Joseph Estrada at mga kalaguyo nito.

Sa pagtatanong ni Moreno kay Victor Lim, Vice President ng Citibank, sinabi nito na hindi nito masasabi kung magkano ang nakadeposito ng mga ito bunga na rin ng pinatutupad na Bank Secrecy Law.

Inamin din ni Lim na mayroong tsismis sa banking circle na mayroong isang Kevin Garcia na fictitious at mayroong accounts sa kanila na gumagamit ng ibang pangalan.

Agad namang pinabeberipika ni Senate President at Judge Aquilino Pimentel, Jr. ang accounts ni Garcia sa Citibank.

Sinabi rin ni Lim na nagdeposito din siya ng P8 milyon tseke mula kay Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson sa account ni Loi at P46 milyon check naman kay William Gatchalian kapwa sa Citibank.

Samantala pinayagan ni Presiding Officer Hilario Davide Jr. ang pagdinig sa testimonya nina Atty. Ruben Almadro at iba pa, kaugnay sa pagdinig ng ikatlong Article of Impeachment.

Una nang nagharap ng subpoena ang prosecution upang paharapin sina dating Philippine Stock Exchange (PSE) chairman Perfecto Yasay, Jr., Almadro; Mary Anne Corpuz, Secretary at dating PSE President Jose Luis Yulo. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARTICLE OF IMPEACHMENT

BANK SECRECY LAW

CITIBANK

DORIS FRANCHE

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS CHAVIT SINGSON

JUDGE AQUILINO PIMENTEL

KEVIN GARCIA

LOI

MARY ANNE CORPUZ

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PERFECTO YASAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with