^

Bansa

Pagpasok ng mifepristone, hahadlangan

-
"No Way!"

Ito ang galit na pahayag ni Cong. Rudy Bacani (LP, 4th district Manila) sa ulat ng Department of Health na plano nilang papasukin sa bansa ang abortion pill na RU-486 o mifepristone.

Ayon kay Bacani, bilang miyembro ng Kongreso gagawin niya ang lahat para hindi matuloy ang plano ng DOH.

Kung sakaling ito ay ipursige ni Secretary Alberto Romualdez Jr., maaaring managot siya dito, dahil sa paglabag nito sa saligang batas.

Kakausapin ni Bacani ang mga kasamahan sa Kongerso para hadlangan at pahintuin ang anumang programa para sa pagtatangkilik ng RU-486.

Hindi rin nangingiming gamitin ni Bacani ang kanyang mga kababayan sa Sampaloc na magsagawa ng protesta sa harapan ng tanggapan ng DOH.

"Ako ay taong madaling kausap at walang hilig sa gulo, kaya paninindigan ko ang labang ito kahit anong mangyari," banta ni Bacani.

vuukle comment

AYON

BACANI

DEPARTMENT OF HEALTH

KAKAUSAPIN

KONGERSO

KONGRESO

NO WAY

RUDY BACANI

SECRETARY ALBERTO ROMUALDEZ JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with