^

Punto Mo

‘Niyog’ (Unang bahagi)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGYARI ito noong ako ay nag-aaral pa sa high school. Sa paligid ng aming bahay ay maraming puno ng niyog. Matataas na ang mga ito. Pero dahil sanay akong umakyat sa niyog, balewala ang mataas na puno. Kinukuha ko ang mga buko at kinakain. Sa aming magkakapatid na lalaki, ako ang pinakamahusay umakyat sa niyog. Kayang-kaya kong pumaibabaw sa niyog at kinukuha ang lahat ng buko.

Hindi ko alam kung paano ako naging mahusay sa pag-akyat sa punong niyog. Basta nalaman ko na lamang na mahusay akong umakyat. Sabi ni Tatay, namana ko raw ang husay sa pag-akyat sa aking lolo. Sabi ni Tatay, para raw tsonggo kung umakyat ang aking lolo. Mabilis. Sa isang iglap ay ubos daw ang buko kapag umakyat si Lolo.

Siguro nga, nagmana ako kay Lolo.

Pero nang may mangyari sa akin habang umaakyat sa niyog, nawalan ako ng interes sa pag-akyat. Hindi ko na inulit ang pag-akyat sa niyog.

(Itutuloy)

vuukle comment

KARANASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with