^

Dr. Love

Kiss and Tell

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Masyado akong disappointed sa ex- boyfriend ko. He was my second boyfriend  na ibinasura ko na dahil masama ang ugali.

Ako po si Sally, 20 anyos at nag-aaral pa sa senior high.

Sayang, siya pa naman ang lalaking nagpatibok ng puso ko at unang nakahalik sa akin sa lips.

I swear, I’m a certified virgin until now. Buti na lang hanggang lips to lips lang at hindi pa niya nakukuha ang aking pagkababae.

Na-shock ako nang pagdating ko mula school, isang tropa na kabarkada ng bf ko ang  sumisigaw sa akin ng “pahalik naman diyan.”

Umakyat ang dugo sa ulo ko dahil alam kong ikinuwento na ng bf ko sa kanila ang paghalik niya sa akin.

Kinabukasan ay binreak ko na ang kiss and tell kong boyfriend matapos kong sampalin.

Pero hanggang ngayon ay binubuska pa rin ako ng mga kabarkada niya at naiinis na ako. Maski halik lang, apektado ang pagkatao ko.

Ano gagawin ko?

Sally

Dear Sally,

Komprontahin mo sila at ipakita mo ang galit mo sa kanilang pambabastos.

Huwag ka lang gagawa ng karahasan na maaari ka nilang kasuhan.

Talaga namang kabastusan ang ginagawa nila sa iyo.

Tama ang ginawa mong pakikipag-break sa lalaking  hindi rumerespeto sa iyo.

At least nakilala mo na hindi tunay ang kanyang pagmamahal at gusto ka lang paglaruan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with