^

Dr. Love

Ipinagpalit sa tibo

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Philip. Ang hirap talagang magmahal lalo na kung umaasa ka pa ring magkakabalikan kayo.

Ako naman talaga ang may kasalanan. Magulo rin kasi ang isip ko nun. Dala ng barkada at kabataan ko.

Dalawa ang aking anak. Nagkasundo na kami noon pero hindi pa rin ako tumigil. Nahiwalay ako uli.

Dumarating din na namimiss ko ang aking asawa’t mga anak. Pero hindi na nila ako kailangan ngayon.  Pati ang mga magulang ng asawa ko ay ayaw na rin akong tanggapin.

Ang lalong kinalungkot ko, may kinakasama na siya ngayon. Kaso isang tomboy.

Kahit ipilit ko, wala na raw siyang nararamdaman sa akin. Masakit pero kakayanin ko.

Naging malabo na ang lahat para sa amin.

Philip

Dear Philip,

Kung nasasaktan ka ngayon ganyan din ang naranasan ng asawa mo sa iyo. Ipinaranas sa iyo ng tadhana ang kalungkutan.  Huwag kang tumigil sa iyong pagdarasal, malay mo maging maganda ang ikot ng mundo para sa iyo. Ituloy mo pa rin ang iyong pakikipag-ugnayan sa kanila.

Kahit alam mong malabo na kayong magkabalikan ng asawa mo, tandaan mo ikaw pa rin ang tatay ng mga anak  ninyo.

Kaya magsikap kang ayusin ang buhay mo at ang kabuhayan mo, para anuman ang mangyari ay maging ready ka. Hindi natin alam, baka kapag may direksiyon ka na ay magkaroon ng chance na mabuo ang iyong pamilya.

Magbago ka at magpakatino na.

DR. LOVE

vuukle comment

PHILIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with