^

Banat Palaro

Malonzo out sa Gilas ng 6 hanggang 8 weeks

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Malonzo out sa Gilas ng 6 hanggang 8 weeks
Jamie Malonzo
FIBA / SBP

MANILA, Philippines — Bangas na naman ang Gilas Pilipinas lineup matapos sumailalim sa ope­ras­yon si Jamie Malonzo.

Mangangailangan si Ma­lonzo ng anim hanggang walong linggong re­habilitasyon upang maka­rekober sa kanyang ope­rasyon.

Kaya naman posibleng hindi ito makasama ng Gilas Pilipinas sa oras na su­malang ito sa training camp sa Hunyo 22 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Paghahandaan ng Gi­las Pilipinas ang parti­sipasyon nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo na idaraos sa Riga, Latvia.

Ito ang magiging daan para makapasok sa 2024 Paris Olympics.

Nagtamo si Malonzo ng calf muscle injury sa ka­sagsagan ng kampanya ng Barangay Ginebra sa eliminasyon ng ginaganap na PBA Philippine Cup.

Malaking kawalan si Ma­lonzo sa Gilas Pilipinas.

Isa ito sa mga maaasahan ng Gin Kings sa kampanya nito sa liga.

Sa Gilas Pilipinas stint nito ay nagtala si Malonzo ng mga averages na 6.5 points at 1.9 rebounds sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, FIBA World Cup at FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers.

Wala pang linaw kung makarerekober agad si Ma­lonzo bago magsimula ang training camp ng Gilas Pilipinas.

Kung hindi ito makaka­laro sa FIBA Olympic Qualifiers ay posibleng sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Nob­yembre na ito makabalik sa Gilas Pilipinas.

Sasalang ang Gilas sa tune-up games sa Turkey at Poland.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with