^

Metro

Beybi ibinenta sa Facebook, ina arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Beybi ibinenta sa Facebook, ina arestado
Ito ay matapos na maaresto ang dalawang indibiduwal kabilang ang isang ina na sangkot sa pagbebenta umano ng 8-araw na sanggol online sa Dasmariñas City, Cavite.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Ikinabahala ng Phi­lippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paglaganap ng bentahan ng sanggol gamit ang social media platform na Facebook.

Ito ay matapos na maaresto ang dalawang indibiduwal kabilang ang isang ina na sangkot sa pagbebenta umano ng 8-araw na sanggol online sa Dasmariñas City, Cavite.

Ayon kay PNP-WCPCO chief PCol. Renato Mercado, nadakip sa entrapment operation sa isang simbahan sa Cavite ang isang ina at broker nito na nagbenta umano sa sanggol ng una sa halagang P90,000. Ang dalawa ay kasalukuyan nang nakakulong sa Camp Crame.

Sa isinagawang pulong balitaan kahapon, nagpahayag ng pagkaa­larma si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga “unauthorized adoptions” sa pamamagitan ng Facebook marketplace, kung saan ipino-post lamang ng mga magulang ang kanilang mga sanggol online para sa maibenta sa mga gustong mag-adopt ng bata.

May mga magulang din umanong naghahanap ng mga bata na maaampon sa pamamagitan ng social media.

Ani Gatchalian, ang pagpapaampon sa labas ng panuntunan ng National Authority for Child Care ay maituturing na krimen. Hindi aniya rason ang kahirapan upang ibenta ang mga anak.

Nabatid na sa nga­yon, nasa 20-40 social media page na sangkot sa bentahan ng sanggol o nagkakaroon ng palitan ng mga sanggol.

“Worrisome sya kasi lumalaganap, it’s a cruel form of child exploitation at common sense at basic moral,” ani ­Gatchalian.

Ayon naman kay DSWD Undersecretary Janella Estrada, ginawa nilang mas madali ang proseso ng pag-aampon at mas mura. Aniya, pinaikli ng pamahalaan ang proseso ng legal adoption sa anim hanggang 9 na buwan, sa mas mabilis na matching processes at pinasimpleng mga requirement.

“DSWD will pro­secute to the fullest extend of the law those found to be engaging in unsanctioned adoptions over social media platforms,” dagdag pa ni Gatchalian.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with