^

Probinsiya

Suspek sa barangay chairman slay, arestado

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - Kalaboso ang 42-anyos na negosyanteng itinuturong responsable sa pagpatay ng isang barangay chairman sa Batangas matapos itong masakote sa isinagawang police operation sa bayan ng Arayat, Pampanga noong Martes ng gabi. Kinilala ni P/Senior Inspector John Conrad Villanueva, police chief ng Mataas na Kahoy, Batangas, ang suspek na si Edwin Bukid ng Candelaria, Quezon. Itinurn-over ng Pampanga police si Bukid sa Batangas police na itinuturong suspek sa pagpatay kay Chairman Jacinto Gardiola ng Barangay 2 ng Mataas na Kahoy. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Lipa City Regional Trial Court Judge Danilo Sandoval, nasakote si Bukid sa Barangay Paroba, Matamo Arayat sa Pampanga noong Lunes ng gabi dahil sa kasong murder. Matatandaang pinagbabaril sa harap ng carwash establishment si Gardiola ng riding-in-tandem noong March 2, 2016. Nakaganti naman ng putok si Gardiola hanggang sa mapatay din nito ang isa sa mga suspek na nakilalang si Pedro Magracia. Batay sa imbestigasyon, lumalabas na ang ginamit na baril sa pagpatay kay Gardiola ay nakarehistro umano kay Bukid.

vuukle comment

JOHN CONRAD VILLANUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with