^

Balita Ngayon

Raymart naghain ng counter-affidavit vs Claudine

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinasinungalingan ng artistang si Raymart Santiago ang mga paratang na sinasaktan niya umano ang kanyang asawa na si Claudine Barreto.

Sa 22-pahinang counter-affidavit na inihain kahapon, sinabi ni Raymart na pawang kasinungalingan lamang ang mga sinasabi ni Claudine nang ireklamo siya ng kasong Anti-Violence Against Women and their Children.

Ayon sa isang ulat, laman ng counter-affidavit ni Raymart ang ilang larawan niyang may mga pasa na nakuha niya umano kay Claudine.

Kabilang din sa affidavit ng dating action star ang salaysay ng mga kapatid ni Claudine na sina JJ, Gretchen at Marjorie Barretto.

“Sa totoo lang, malungkot ako. Kailangan pang lumabas lahat ito. Tulad ng sabi ko, hanggang ngayon yun pa rin ang sasabihin ko — hindi ko naman ginusto ilabas ito,” pahayag ni Raymart sa isang panayam sa telebisyon.

“Pero ganun sila, eh. Marami silang nilalabas, at kailangan ko lang sumagot,” dagdag niya.

Sinabi ni Raymart na nais niyang ipagtanggol ang sarili at para na rin malaman ng kanilang mga anak kung ano ang katotohanan.

"Siguro para rin sa mga anak ko, para malaman nila ang totoo," banggit ni Raymart.

Samantala, sumagot ang abogado ni Claudine na si Ferdinand Topacio sa counter-affidavit ni Raymart.

“[The counter-affidavit is a] cheap attempt to muddle the issue as to whether or not he inflicted physical, emotional, psychological, and economic abuse upon Ms. Barretto,” pahayag ng abogado na lumabas sa entertainment website na Pep.ph.

vuukle comment

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN

AYON

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETO

FERDINAND TOPACIO

MARJORIE BARRETTO

MS. BARRETTO

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with