^

Balita Ngayon

Nakainom na miyembro ng CAFGU nanaksak, nakapatay ng tibo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagsasasaksak ng isang lasing na miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang isang tibo sa bayan ng Antipas sa North Cotabato nitong Martes, ayon sa pulisya.

Ayon kay Inspector Felix Fornan, hepe ng Antipas municipal police, nasawi si Jerelyn Ligo dahil sa iba't ibang saksak sa katawan habang ginagamot sa ospital.

Nakilala ang suspek na miyembro ng CAFGU na si Arnel Pacino at ngayon ay nagtatago matapos ang insidente.

Nag-iinuman si Ligo at Pacino sa bahay ng kanilang kaibigan sa Barangay Malangag nang magkasagutanbat sigawan ito.

Nakita ng mga kapitbahay na bumunot ng kutsilyo si Pacino mula sa kanyang baywang at ilang ulit na pinagsasasaksak si Ligo.

Kaagad tumakas si Pacino at iniwan ang duguang biktima na nakahandusay sa sahig.

Ayon kay Col. Dickson Hermoso, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Army, tutulungan ng 38th Infantry Battalion ang Antipas municipal police sa paghahanap kay Pacino.

Dagdag ni Hermoso na tatanggalin na bilang miyembro ng CAFGU si Pacino dahil sa isidente.

vuukle comment

ANTIPAS

ARNEL PACINO

AYON

BARANGAY MALANGAG

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

DICKSON HERMOSO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

INSPECTOR FELIX FORNAN

JERELYN LIGO

PACINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with