^

Balita Ngayon

3 pang mayayamang senador nagpasa ng SALN

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo pang milyonaryong senador ang naghayin ng kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Bumaba ng halos P40 milyon ang net worth ni Sen. Teofisto Guingona III base sa kanyang inihaying SALN para sa taong 2012 kumpara sa 2011 kung saan umabot ito ng P82.5 million.

Lumabas na lumaki ang surety liabilities ng senador sa Bank of the Philippine Islands, Allied Banking Corporan, Maybank Philippines Inc., bilang parte ng kanyang liabilitiesna umaboy sa P68.205 milyon.

Nakasaad sa SALN ni Guingona ang kanyang personal property stocks sa P75.614 milyon, cash na P27 milyon, kagamitan na P1 milyon, alahas na P200,000, mga libro sa P300,000, club membership na P385,000, at P2.415 milyon sa kanyang private insurance upang umabot sa P82.184 milyon.

Nasa Antipolo, Baguio City, Bataan, General Santos City, Cagayan de Oro City, Sta. Rosa, Laguna, Pasay City ang mga real estate properties ni Guingona na umabot sa halagang P29.518-milyon.

Sa huling tala noong Disyembre 31, 2012 ay 10 kompanya ang pinaglagyan ng senador ng malaking investments mula noong 1989 hanggang kasalukuyan.

Umabot naman sa P75.614 milyon ang mga halaga ng mga lupa ni Guingona sa Tierra Minerva Properties Development Company; Guimaras Realty Inc; Southern Flagship Realty, Inc; First Tropical Blooms Inc; Flavortrade, Inc.; Firm Builders Relaty Development Corp.; Sta. Lucia Investments Inc, Ayala Land, Ayala Corporation, at Ayala Corporation Preferred shares.

Naghayin na rin ng kanilang mga SALN ang dalawa pang senador na sina Bong Revilla at Sergio Osmeña III. Nauna na ring naghayin ng SALN sina Loren Legarda, Antonio Trillanes IV at Chiz Escudero.

Mayroong P251,778,835.51 total assets si Revilla, habang ang liabilities niya ay umabot sa P82,637,448.60 upang maging P 69.141-milyon ang kanyang total net worth kasama na ang sa kanyang asawa na si Cavite Rep. Lani Mercado.

Noong 2011 ay mayroong P125.7 milyong combined net worth ang mag-asawang Revilla.

Samantala, mayroon namang net worth na P111.779 milyon si Osmeña para sa taong 2012.

Umabot sa P115.879 milyon ang total assets ni Osmeña kasama na ang cash, securities, iba't ibang sasakyan tulad ng 2005 Volvo XC, 2010 Toyota Hi Ace, ilang kagamitan, art collections at mga alahas.

Inilagay naman ni Osmeña ang P4.1 milyon bilang loans at payables.
 
Mayroon ding lupa ang senador sa Batangas, Laguna, Cebu, Talisay City, Bacolod at Escalante City.

vuukle comment

ALLIED BANKING CORPORAN

ANTONIO TRILLANES

AYALA CORPORATION

AYALA CORPORATION PREFERRED

AYALA LAND

BAGUIO CITY

GUINGONA

MILYON

OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with