^

Balita Ngayon

3 patay sa banggaan ng trak sa Bulacan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang patay at isa pa ang saugatan sa salupkan ng isang dump truck at bulk carrier sa Bulacan ngayong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng mga pulis ang nasawi na sina Christian Legaspi, tsuper ng dump truck; ang pahinante niyang si Arcy Solis at tsuper ng bulk carrier na si Rio delos Santos.

Ang kasamahan naman ni Delos Santos na si Michael de Sajo ay dinala sa Malolos hospital.

Mabilis ang takbo ng dump truck na may plakang RLV-360, habang binabagtas nito ang AZT road sa Barangay Matictic, bayan ng Norzagaray, nang mabaklas ang propeller nito at mawalan ng kontrol ang drayber hanggang sa bumangga sa kasalubong na bulk carrier.

Nadamay pa sa aksidente ang isang trailer truck na nakatigil sa tabing-daan.

vuukle comment

ARCY SOLIS

BARANGAY MATICTIC

BULACAN

CHRISTIAN LEGASPI

DELOS SANTOS

KINILALA

MABILIS

MALOLOS

MIYERKULES

NADAMAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with