^

Bansa

Wish ni Pangulong Macos: Pinas maging tourism powerhouse sa Asya

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ­gawing tourism powerhouse sa Asya ang Pilipinas.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa paglulunsad ng Tourist Rest Area (TRA) sa Pagudpod, Ilocos Norte.

Sinabi ng Pangulo, na matindi ang kumpetisyon ngayon sa turismo at hindi maitatanggi na maganda rin ang performance ng mga katabing bansa ng Pilipinas pagdating sa turismo.

Kabilang anya sa mga bansang ito ang Thailand, Korea, Vietnam at Indonesia.

Iginiit ng Pangulo na sadyang maganda ang Pilipinas subalit kailangan lang ayusin ang ilang bahagi ng turismo dito at dapat din isaalang-alang hindi lang ang magandang tanawin, magandang hotel at magandang resort para mahikayat pa ang mga turista kundi dapat ay maganda at mabilis din ang serbisyo at maging ang access sa mga tourist destinations.

Dahil dito kaya isinusulong ni Pangulong Marcos ang pagpapahusay sa mga regional airports para diretso na ang mga turista sa napili nilang destinasyon na hindi na dadaan pa sa Metro Manila.

Inihalimbawa pa niya ang pagkakaroon ng direktang flights sa Cebu, Bohol, Cagayan de Oro, Tacloban at iba pang pinagmamalaki ng bansa bilang tourist destinations.

Ayon sa Pangulo, hindi lang dapat ang mga Filipino ang magsabi ng “We Love the Philippines” kundi ­maging ang mga dayuhan.

Sa talumpati pa ni Pangulong Marcos, inanunsiyo niya na target ng pamahalaan na madoble ng sampung beses ang mga turista na bibisita sa bansa kumpara sa naging kampanya nila noong Balikbayan program.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with