^

PSN Palaro

Tanduay, CafeFrance asam ang semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tangan ang ‘twice-to-beat’ edge, hangad ng Tan­duay ang kanilang ikaapat na sunod na panalo pa­pa­sok sa semifinals sa pagharap sa AMA Online Education ngayong alas-5 ng hapon matapos ang bak­­bakan ng No. 3 seed Ca­feFrance at Jose Rizal Uni­versity sa alas-3 sa Yna­res Sports Arena sa Pa­sig City.

“We still have to win. Even though we have the twice-to-beat, we still need to compete and find a way to win,” sabi ni Rhum Masters coach Lawrence Chongson sa pagsagupa nila sa Titans.

Sina dating PBA pla­yers Mark Cruz at Jerwin Gaco ang muling babande­ra sa Tanduay laban sa AMA, nabitawan si Juami Tiongson sa NLEX sa PBA.

“With Juami, he avera­ges 20-plus points a game plus siya ang nagke-create para sa akin. So masakit ta­laga na mawawala siya, but we’re happy that he’s getting a shot back in the PBA,” ani mentor Mark Her­rera.

Sa pagkawala ni Tiongson ay sasandal ang Titans ki­na Jeron Teng, Jay-R Ta­ganas, PJ Barua at Von Tam­beling.

Umaasa na­man si Ca­fe­France coach Egay Macaraya na makakabangon sila sa dalawang sunod na ka­malasan sa eliminasyon sa pagsagupa sa Jose Rizal.

vuukle comment

TAN­DUAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with