^

Metro

NCRPO pinayagan ang NPA sympathizers na magrali sa MM

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinapayagan ang mga sympathizers ng New People’s Army (NPA) na magsagawa ng protest rally sa Metro Manila kung hindi lalabag ang mga ito sa batas.

Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office chief Director Oscar Albayalde at walang inilabas na kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang mga NPA sympathizer at ang gagawin ng kapulisan ay pag-monitor sa mga ito kung nagsasagawa ng payapa at maayos na rali.

“With or without permits from the local government units (LGUs) they (NPA sympathizers) could hold their protest rallies anywhere in Metro Manila as long as ito does not inconveniences the public” wika ni Albayalde.

Inatasan na rin ni Albayalde ang kanyang limang police directors  na mag-deploy ng unipormadong pulis sa NPA protest rally, pero hindi sila bubuwagin  kundi iaayos ang mga ito para sa daloy ng trapiko.

Ang direktiba ni Albayalde ay dahil sa naganap na protest rally ng NPA sympathizers sa Cubao, Quezon City at Mendiola, Manila bago at pagkatapos ng NPA 48th founding anniversary noong Marso 29.

Ayon naman sa militar na ang mga sumama sa kambal na rally ay “bayarang” sympathizers ng NPA na dumating na nakaberdeng kamiseta at may bitbit ng banner ng NPA.

vuukle comment

NPA SYMPATHIZERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with