^

PSN Palaro

Si Pacquiao ang pipili ng gusto niyang labanan

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tanging si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang magdedesisyon kung sino ang kanyang gustong harapin at kung saang bansa ito gagawin.

Sinabi kahapon ni Mike Koncz, ang personal adviser ni Pacquiao, na ihahayag ni ‘Pacman’ ang kanyang desisyon sa susunod na linggo.

“Maybe the end of next week we’ll have a statement,” sabi kahapon ni Mike Koncz, ang personal adviser ni Pacquiao.

Napaulat na gusto ni Pacquiao na labanan si British star Amir Khan sa United Kingdom sa Abril.

Sinasabing makakakuha si Pacquiao ng guaranteed $38 million prize sa kanyang susunod na laban.

Kung totoo ito ay ituturing ang $38 milyon bilang ikalawang pinakamalaking premyong matatanggap ni Pacquiao matapos ang napaulat na $120 milyong nakuha niya sa pagsagupa kay Floyd Mayweather noong 2015.

Nauna nang ikinunsidera ang Brisbane bilang venue ng laban ni Pacquiao kay Australian challenger Jeff Horn.

Nagmula si Pacquiao sa panalo laban kay Jessie Vargas noong Nobyembre.

Sa kanyang panalo laban kay Vargas ay nagbulsa si Pacquiao ng humigit-kumulang sa $5 milyon.

 Kinumpirma ni promoter Bob Arum na inalok si Pacquiao ng “an insane amount of money” ng UAE group.

 Sa mga web reports ay sinabing tiyak nang si Khan ang haharapin ni Pacquiao at hindi si Horn.

 “No comment at the time regarding Manny’s next fight,” wika ni Koncz. “We will make the announcement once we conclude the opponent and the venue.”

Kung sa Abril 23 ang petsa ng laban ni Pacquiao ay may dalawang buwan pa ang 38-anyos na Filipino boxing icon para paghandaan ang sinuman kina Khan, Horn o iba pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with