^

Metro

‘One strike policy’ ipapatupad na rin ng MMDA sa mga tauhan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mahigpit na ipatutupad ng  Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ang ‘one strike policy’ laban sa kanilang mga kawaning sangkot sa mga katiwalian.

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, ang lahat aniyang kawani ng MMDA, mapa-permanent man ito, casual o job order ay papatawan ng preventive suspension kapag napatunayang sangkot sa katiwalian.

Kung saan  ang ‘one strike policy’ na ipatutupad ng MMDA laban sa mga tiwaling kawani  ay hindi na bibigyan ng pangalawa pang pagkakataong makapagserbisyo sa naturang ahensiya kapag guilty ang mga ito sa akusasyon laban sa kanila.

Kabilang sa polisiyang mahigpit na ipatutupad ng MMDA ay ang pag-obliga sa mga ka­waning magsuot ng ID sa oras ng kanilang trabaho.

Samantala, ang mga kawani ng tow truck na accredited sa MMDA ay dapat din aniyang su­munod sa mga patakarang pinatutupad ng ahensiya, kabilang dito ang pagsusuot ng uniporme.

Papatawan din aniya ng pa­rusa ang mga ito kapag may na­ganap na pag-abuso sa mga hinahatak nilang mga sasak­yan.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with