^

PSN Opinyon

SPO3 Lascañas

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MATINDI ang pasabog ni SPO3 Arthur Lascañas hinggil sa Davao Death Squad (DDS), na kinasangkutan daw ni Pres. Rodrigo Duterte. Unang itinanggi ni Lascañas ang sinasabing DDS, sa pagdinig sa Senado noong Oktubre, kung saan lumutang si Edgar Matobato at nagbigay ng mga pahayag din hinggil sa DDS. Kasinungalingan daw lahat. Ngayon, kabaliktaran na ang kanyang sinasabi. Kinumpirma na may DDS nga sa Davao noong panahon ni Duterte bilang mayor. Binabayaran daw sila kada may napapatay, at depende pa sa “target” ang halaga ng ibinabayad sa kanila. Ibinunyag din kung paano nagsimula ang pagtawag sa DDS, pinangalanan ang ilang biktima, kabilang si Jun Pala na pinapatay umano ni Duterte.

Si Lascañas ang pangalawang nagkumpirma sa DDS. Ang kanyang mga ibang pahayag ay tugma rin sa mga unang ipinahayag ni Matobato. Pero ano ang kanyang dahilan kung bakit iba na ang kanyang sina­sabi? Kailangan din banggitin na nanumpa siya sa Senado noong Oktubre na magsasabi ng totoo. Kaya ano nga ba ang katotohanan? Nagsinungaling ba siya sa Senado, kung saan puwede siyang kasuhan ng perjury?

Ayon kay Lascañas, konsensiya niya ang dahilan kung bakit nagsasalita na ngayon. Inamin din na siya ang nasa likod sa pagpatay sa dalawa niyang kapatid, na mga lulong sa droga noon. Ganito raw ang tindi ng kanyang katapatan kay Duterte. Mabigat na pag-aamin iyan, na kung talagang hindi alam ng kanyang pamilya ay sigurado may epekto sa kanilang lahat ngayon. Handa na rin daw siya humarap sa Senado, kung magsisigawa muli ng pagdinig. Tandaan na sinabi na ni Sen. Gordon at Lacson na walang nagaganap na extrajudicial killings sa bansa. Kung talagang magsasalita na si Lascañas, mas mabuti kung may mga matitibay na ebidensiya siya para patunayan ang kanyang mga pahayag ngayon. Lumalabas na hindi maganda ang kredibilidad niya ngayon, dahil sa kanyang mga unang pahayag sa Senado noong Oktubre. Sigurado tatanungin siya nang husto ng mga kaalyado ng administrasyon, tulad ng kanilang ginawa kay Matobato. 

vuukle comment

ARTHUR LASCAñAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with