^

True Confessions

Damo sa Pilapil (146)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SINO ang mga bisita mo, Love?’’ Tanong ni Zac kay Dulce pero nakatingin sa dalawang bata.

“A sila sina Mateo at Noime.’’ At ipinakilala sa mga ito si Zac. “Mateo at Noime, siya ang aking mister, si Zac.

“Magandang umaga po Sir Zac!’’ Bati ni Mateo at sumunod si Noime.

“Magandang umaga naman sa inyo.’’

Nagpaliwanag si Dulce sa asawa. Ikinuwento kung paano nakilala ang dalawang bata at kung paano pinakain.

“Naawa ako sa kanila dahil wala na palang tatay at ang inay na lamang nila ang naghahanapbuhay --- nagpapaupa raw sa paggagamas ng palayan. Pinakain ko sila dahil gutom na gutom. Namumulot sila ng mga bao para ulingin at saka ibi­nibenta. Sabi ko sa kanila, bumalik dito at kakatulu­ngin ko sa pagtatanim ng gulay --- kaya ayan ang aming mga tanim. Sanay na sanay pala ang dalawang ito sa pagtatanim. Humanga ako dahil hindi ko akalain na marunong sila sa kabila na mga bata pa. Nag-aaral sila sa hapon kaya sa umaga sila naghahanap ng ikabubuhay. Napakatiyaga ng dalawang ito, Zac. Sobrang tiyaga! Mayroon akong nakikita sa dalawang ito.’’

“Anong nakikita mo?’’

“Nakikita ko ang katauhan mo kay Mateo. Malayo rin ang maaabot ng batang ito. Pati si Noime, mayroong magandang mararating.’’

Napangiti si Zac. Iyon din ang naiisip niya nang makita ang dalawang bata.

“Halika sa dako roon, Love, dun sa hindi tayo ma­ririnig ng dalawa. Meron akong sasabihin.’’

“Halika, Love.’’

Nag-usap sila nang ma­hina.

Si Dulce ang naki­usap.

“Pag-aralin natin sina Mateo at Noime. Masipag at matalino sila. Sayang kung hindi sila makaka­pag-aral.’’

“Aprub.’’

“Nakikita ko ikaw sa katauhan nila, Love. Malayo ang mararating nila.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with